--Ads--

CAUAYAN CITY, ISABELA – Patuloy na magsasagawa ng malalimang pagsisiyasat ang Cabatuan Police station kaugnay sa pagbaril at pagpatay sa labimpitong taong gulang na mag-aaral na si Randell Juan na taga Saranay, Cabatuan, Isabela

Matatandaang ang binatilyo ay nasawi habang nasugatan ang kanyang kasintahan matapos silang barilin ng hindi nakilalang suspek nang tumigil sila sa harapan ng isang compound sa San Andres, Cabatuan, Isabela

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagnegatibo sa paraffin test ang unang person of interest ng pulisya.

Ayon sa Cabatuan Police Station, magsasagawa pa sila ng masusing imbestigasyon dahil sa pagnegatibo ng person of interest.

--Ads--

Pagkamit ng katarungan sa lalong madaling panahon ang hangad ng pamilya ng binatilyo.

Naniniwala sila na walang kaaway ang biktima.