--Ads--
Nilinaw ng Ministry of Communications ng Malaysia nitong Linggo, Abril 12, na wala silang direktang kinalaman sa transaksyon ng malakihang diesel shipment sa Pilipinas.
Ayon sa pahayag ng ahensya, ang naturang kasunduan ay eksklusibo lamang sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at mga internasyonal na pribadong kumpanya.
Giit pa ng Malaysia, tanging nagsilbi lamang silang transit at logistics hub para sa kargamento at hindi sila ang pinagmulan ng suplay ng diesel.
Ayon din sa kanila, ang diesel ay nagmula sa global market at hindi mula sa Petronas.
--Ads--
Naiulat ng Philippine News Agency na humigit-kumulang 329,000 bariles o 52.311 milyong litro ng diesel mula Malaysia ang naipadala na sa Pilipinas.











