Arestado ang isang mall supervisor matapos silbihan ng warrant of arrest ng pulisya sa Barangay Mabini, Santiago City kaugnay sa kasong qualified theft na isinampa laban sa kanya.
Kinilala ang akusado na si “Ken,” 34-anyos, may asawa, at residente ng nasabing lungsod. Ayon sa ulat ng pulisya, may sapat na ebidensya at probable cause laban sa kanya para sa naturang kaso.
Pinangunahan ng City Intelligence Unit ng Santiago City Police Office, katuwang ang mga operatiba ng SCPO Station 2, ang maayos at mapayapang pagsisilbi ng mandamiento de aresto. Walang komprontasyon na naitala dahil kusang sumama ang akusado sa mga awtoridad.
Itinakda ng korte ang piyansa na ₱40,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado. Sa kasalukuyan, nakadetine si Ken sa lock-up cell ng SCPO Station 2 habang hinihintay ang pagproseso ng kanyang piyansa at ang mga susunod na pagdinig sa kaso.










