--Ads--

Bumalik sa contraction ang sektor ng manufacturing sa Pilipinas nitong Setyembre matapos bumaba ang Purchasing Managers’ Index (PMI) sa 49.9, ayon sa S&P Global.

Ito ang pinakamababang antas sa loob ng anim na buwan at ikatlong beses lang na bumagsak sa ganitong level sa nakalipas na mahigit apat na taon.

Ang pagbaba ay dulot ng masamang panahon, mataas na taripa, at import ban sa bigas. Bumaba ang domestic sales, kaya napilitan ang mga kumpanya na bawasan ang produksyon. Gayunpaman, patuloy ang pagtaas ng foreign orders at pagbili ng raw materials, bilang paghahanda sa posibleng pag-angat.

Ayon sa mga eksperto, pansamantala lamang ang paghina, at nananatiling positibo ang pananaw ng mga negosyo sa mga darating na buwan.

--Ads--