Nagbabala ang Department of Energy (DOE) na mahaharap ang mga motorista at fuel consumers sa pinakamalaking dagdag-presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ang gasolina ay inaasahang tataas ng P11.00 – P13.00/L; DieselP22.00 – P24.00/L; at Kerosene na P33.00 – P36.00/L.
Mas mataas ito kumpara sa pinagsama-samang oil price hike sa mga nakalipas na linggo.
Ang inaasahang umento ay dulot ng patuloy na paglobo ng presyo ng crude oil sa pandaigdigang merkado, na pangunahing sanhi ay ang tensyon sa Middle East at pangamba sa supply chain.
Ayon sa DOE, ang mga datos mula sa international trading ay nagpapakita ng tuloy-tuloy na pag-akyat ng presyo ng Dubai crude at finished petroleum products, na direktang nakakaapekto sa lokal na presyo ng langis.
Simula Enero 2026, sunod-sunod na linggo nang may dagdag-presyo sa petrolyo.
Diesel ay tumaas na ng mahigit sampung linggo, habang gasolina ay patuloy na nagmahal sa loob ng walong linggo.
Sa kasalukuyan, ang presyo ng diesel ay nasa halos P75 kada litro, at inaasahang aabot sa P94 kada litro sa ilang gasolinahan matapos ang bagong dagdag-presyo.
Ang gasolina naman ay maaaring pumalo sa P87 kada litro.










