--Ads--
CAUAYAN CITY– Puntirya ng tanggapan ng Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management ang mas mataas na parangal sa Gawad Kalasag 2018.
Kasunod ito ng tiyak na pagkamit ng Rescue 922 sa Hall of Fame Award sa Advance Search and Rescue ng Gawad Kalasag.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni CDRRM Officer Ronald Villoria na tatanggapin sa susunod na linggo ng Rescue 922 ang nasabing parangal.
Dahil dito ay puspusan na ang paghahanda ng tanggapan para makamit ng City Disaster Risk Management Council Award ang mas mataas na parangal.
--Ads--
Aminado si G. Villoria na malaking hamon sa pamahalaang lunsod na makamit ito pero tiniyak niya na gagawin nila ang lahat upang mapagtagumpayan ito.




