Nararanasan na sa ngayon ang pagsikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa lungsod dahil sa gaganaping Peace Rally ng Iglesia ni Cristo.
Nakahanda naman ang pamunuan ng Public Order and Safety Management Office (POSMO) para sa pagdagsa ng mga makikilahok sa National Peace for Rally.
Ito ay gaganapin ngayong araw, ika-13 ng Enero sa City of Ilagan Sports Complex na dadaluhan ng humigit kumulang 50,000 na mga INC members mula sa lalawigan ng Cagayan, Quirino, Isabela maging sa Kalinga.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Officer-in-charge Ron Paguirigan ng POSMO Ilagan, sinabi niya na nagsagawa na sila ng rerouting kung saan ang mga kalahok mula sa Isabela East, South at West ay dadaan sa Calamagui patungong Sports Complex.
Ang mga magmumula naman sa bahagi ng Quirino at Kalinga ay dadaan sa Barangay San Felipe habang sa Marana naman ang daraan ang mga manggaling sa Cagayan.
Nagdeklara na rin ng kaselasyon ng Klase ang pamahalaang Loka ng Lungsod ng ilagan dahil inaasahan na magkakaroon ng masikip na daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Lungsod.
Magsisilbi namang exit road ang Calamagui 1st Allullutan road at mayroon na rin umano silang itinalaga na mga parking areas.
Eksaktong alas sais ng umaga ay sisimulan na nila ang implementasyon ng one-way traffic.
Mayroon naman nang mga signages na nakalatag sa mga daanan na magsisilbing gabay ng mga dadalo sa rally.
Kahapon pa lang ay nagsimula nang magsidatingan ang ilang mga delegado sa Lungsod ng Ilagan.