CAUAYAN CITY – Patuloy ang isinasagawang Mass Vaccination kontra rabies sa mga alagang aso ng Veterinary Office sa Cauayan City
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Ronald Dalauidao, City Veterinarian na tuloy tuloy pa rin ang kanilang pagbabakuna sa mga alagang aso.
Sinabi niya na layunin nitong hindi makapagtala ng kaso ng rabies dito sa Cauayan City.
Dahil anya sa programa ay mahigit 5 taon nang walang naitatalang kaso ng rabies at nais nilang itong panatilihin.
Simula noong buwan ng Enero, 2018 ay umaabot na sa 10 barangay ang naikutan ng mga kawani ng City Veterinary Office para magbakuna ng anti rabies vaccines sa mga alagang aso.
Anya, naging mabagal ang pagbakuna nila sa unang dalawang buwan ng taong 2018 dahil sa pabago bagong lagay ng panahon subalit kanyang sinabi na bago matapos ang taon ay mababakunahan na ang lahat ng mga alagang aso sa animnapu’t limang barangay dito sa Lunsod ng Cauayan.




