--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakadiskubre ang mga sundalo ng 86th Infantry Battalion sa ilalim ng pamumuno ng 502th Infantry Brigade, at ng Isabela Police Provincial Office ng  isang M16 rifle at dalawang ICOM na radyo sa bahagi ng sitio Calabaguin, Barangay San Miguel noong ikadalawamput isa ng Hulyo.

Ito ay resulta ng pakikipagtulungan ng dating rebelde na si Alyas Popoy kung saan itinuro nito ang lugar na pinagtaguan ng mga teroristang grupo sa kanilang armas matapos ang pagkamatay ng kanilang dating lider na si Alyas Yuni noong ika-labintatlo ng Marso, 2021.

Hinikayat na rin ni Alyas Popoy at Erik ang kanilang mga kapwa Former Rebels na isiwalat sa pam ang mga nalalaman nilang impormasyon hinggil sa mga itinatagong mga armas ng dati nilang grupo upang tuluyan na silang makalaya mula sa pananakot ng NPA at hindi na muling magamit ang mga ito sa pakikipagdigma at pagpapakalat ng terorismo.

Pinuri naman ni BGen Danilo D Benavides, Commander ng 502nd Infantry Brigade ang tropa ng 86th Infantry Battalion at ang lokal na kapulisan sa kanilang patuloy na pagpupursige upang matuldukan ang kasamaang dulot ng insurhensiya sa buong lugar na sakop ng 502nd Brigade at ng buong 5ID.

--Ads--

Kasunod nito ay pinasalamatan din ng heneral si alyas Popoy sa kanyang kooperasyon sa tropa ng pamahalaan.

Ang narekober na baril ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng 86th Infantry Battalion sa kanilang headquarters sa Brgy Uno, Jones, Isabela at pinoproseso bago ipasakamay sa kapulisan.