CAUAYAN CITY- Tiniyak ni P/Chief Supt, Jose Mario Espino, Regional Director ng Police Regional Office Number 2 na magbibigay si PNP Chief Director General Oscar Albayalde ng isang mobile patrol sa Mallig Police Station.
Kasunod ito ng pagkamatay ni P/Chief Inspector Michael Angelo Tubania na ginamit ang sariling sasakyan para sa isasagawa sanang police operation noong June 17, 2018.
Ayon kay Regional Director Espino, dahil kulang ang sasakyan ng Mallig Police Station na pati sariling sasakyan ay nagagamit na sa pagpapatrolya ay nangako umano si PNP Chief Albayalde na magkakaloob siya ng isang sasakyan para sa Mallig Police Station .
Sa panayam naman ng Bombo Radyo cauayan, inihayag ni P/Sr. Insp. Saturnino Aggabao, OIC chief of police ng Mallig Police Station na nagpapasalamat sila sa tulong ng kanilang PNP Chief.
Ipinaliwanag ni Sr. Insp. Aggabao na dalawa ang ginagamit nilang mobile patrol subalit ang isang mahindra ay hindi nagagamit dahil may sira habang ang innova naman ay nasa talyer.
Dahil dito pansamantala umano silang humihiram ng sasakyan sa lokal na pamahalaan ng Mallig maliban lamang sa sariling motorsiklo ng mga pulis na ginagamit.
Inamin ni Sr. Insp. Aggabao na hirap sila sa pagpapatrolya kapag hindi official na sasakyan ng PNP ang kanilang dahil hindi ito batid ng mga tao.
Paliwanag pa ni Senior Inspector Aggabao na ang kanilang innova ay 10 taon nang nagagamit habang ang mahindra ay mahigit 6 na taon na rin.




