--Ads--

CAUAYAN CITY – Balakid pa rin sa  paghahanap sa nawawalang Cessna 206 Plane ang makakapal na ulap sa kadundukan ng Sierra Madre kahit gumanda na ang lagay ng panahon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Operations and Warning Officer Bernard Plasos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO Maconacon na hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa kahit umabot na sa isang buwan ang paghahanap ng mga rescuers sa nawawalang Cessna 206 plane.  

Gumanda na aniya ang lagay ng panahon  noong araw ng Huwebes at kahapon kaya muling ipinagpatuloy ang ground search and rescue operations kasama ang anim na kasapi ng Philippine Coastguard at tatlong K9 unit.

Naglakad ang mga rescuers ng pitung araw at lumampas na sila sa barangay Sapinit.

--Ads--

Aniya, malakas ang agos ng ilog kaya nahirapan ang mga rescuers na tumawid at makapal din ang mga ulap sa  kabundukan.

Kailangan ding  buhatin ang mga K-9 dogs dahil sa malakas na agos ng ilog.

Bagamat gumanda na ang panahon at muling lumipad ang helicopter ng Phil. Airforce ay wala ring makita dahil sa makapal na ulap sa mga kabundukan.

Nagdarasal ang mga rescuers para sa maganda nilang kalusugan upang tuloy tuloy ang paghahanap nila sa nawawalang cessna plane.