Nagsasagawa na ng maximum deployment ang Gamu Police Station sa mga matataong lugar sa kanilang nasasakupan maging sa mga National Highway ngayong buwan ng Disyembre.
Bahagi ito ng aktibidad ng Police Station ngayong buwan ng Disyembre upang masiguro na kontrolado at maiiwasan ang anomang hindi kanais nais na mangyari.
Ayon kay Deputy Chief of Police PCapt. Joven Montalvo ng Gamu Police Station, maraming magigign aktibidad ngayong disyembre na kailangang mabantayan at matutukan ng kanilang hanay.
Ito rin ang dahilan kung bakit nagsasagwa sila ng maximum deployement upang bago pa man dumaitng ang mga petsa ng mga aktibidad ay alam na ng publiko na nakastandby ang kanilang hanay.
Maging ang deployement sa mga national highway ay mas pinaigtin din lalo na at nasa national highway lang din ang kanilang lugar.
Giit ni Montalvo, mas maigi na magkaroon ng awareness ang publiko sa presensiya ng mga awtoridad nang sa ganoon ay alam nila kung saan sila maaring magtungo sakaling kailanganin nila ng tulong.











