CAUAYAN CITY- Personal na alitan ang tinitignang anggulo ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station sa pagbaril at pagpatay sa mag-asawa sa Barangay Villa Concepcion.
Magugugunitang natagpuang wala nang buhay ang mag-asawang sina Panfilo Taguba, 59 anyos,magsasaka at Gloria Taguba,54 anyos, kapwa residente ng barangay Gagabutan, Cauayan City ngunit pansamantalang naninirahan sa Villa Concepcion, Cauayan City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr. Insp. Ferdinand Datul,Chief Investigator ng Cauayan City Police Station na may nakaalitan ang biktimang lalaki sa kanilang barangay bago naganap ang pagbaril at patay na ngayon ay kanilang sinisiyasat
Si Ginoong Panfilo Taguba ay nagtamo ng Isang tama ng bala ng baril sa baba ng kanyang kaliwang kili-kili habang si Ginang Gloria Taguba ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang ulo na sanhi ng kanilang kamatayan
mayroong nakitang 3 basyo ng bala ng Cal 45 baril sa pinangyarihan ng krimen .




