--Ads--

Gusto pa rin umano ng mayorya ng mga senador na si Senate President pro-tempore Ping Lacson pa rin ang maging Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, mahirap pang hulaan sa ngayon kung babalik si Lacson sa pagiging chairman ng naturang komite.

Pero, sinabi ni Sotto na posibleng mapilitan si Lacson na pamunuan ulit ang Blue Ribbon Committee dahil gusto siya ng mayorya ng mga senador.

Inaasahang bago magbukas ang sesyon sa November 10 ay nakapagpulong na sila tungkol dito at magiging klaro na kung sino talaga ang uupong Chairman ng Blue Ribbon.

--Ads--

Kabilang din sa pag-uusapan ng komite ay kung papayagan ba ang hiling na house arrest sa mga naka-contempt na sina dating District Engineer Henry Alcantara, dating Assistant District Engineer Brice Hernandez at Engr. Jaypee Mendoza.