CAUAYAN CITY – Patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tsuper ng isang kotse na pinaghihinalaan sa naganap na hit and run na ikinasawi ng isang menor de edad sa Divisoria,Santiago City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Santiago City Police Office Traffic Group, may mga hawak na silang kuha ng CCTV Camera mula sa mga gusaling dinaanan ng suspek subalit hindi pa rin nila matukoy ang plate number ng sasakyan.
Umaasa pa rin ang kapulisan na makakakuha sila ng karagdagang cctv footage mula sa kanilang mga nakausap na may-ari ng mga pribadong establisyemento.
Magugunitang na nagja-jogging lamang ang biktimang si Juspher Gonzaga,15 anyos, kasama ang kanyang kaibigan sa shoulder lane ng kahabaan ng pambansang lansangan sa nasabing barangay nang makasalubong nila ang isang pulang sasakyan.
Biglang nag-iba ng direksyon at nag over-run sa bahagi kung nasaan ang biktima kaya nabangga na nagresulta ng malalang sugat na dahilan ng kanyang agarang kamatayan.




