--Ads--

Hinikayat ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO San Mateo ang taumbayan na makiisa sa Earth Hour 2025 na may temang Switch off and secure water for all.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay MENRO Officer Neil Galapon sinabi niya na unang Linggo ng Marso nang makatanggap sila ng Memorandum Circular mula sa DILG kung saan ipinapaalala ang pag-obserba sa earth hour mula sa 8:30 hanggang 9:30 mamayang gabi.

Layunin nito na itaas ang kamalayan ng taumbayan sa kahalagahan ng energy and water conservation na agad na ipinatupad sa MENRO.

Bago pa man ang nakatakdang earth hour ay nakipag-ugnayan na ang kaniyang tanggapan sa mga opisyal ng Barangay at maging sa social media para maipaabot ang kalahagahan ng pakikilahok ng bawat isa sa Earth Hour.

--Ads--

Aniya, ang Earth Hour ay hindi lamang tungkol sa isang oras na pagpapatay ng ilaw kundi isang global action bilang bahagi ng pangangalaga sa kalikasan dahil sa pamamagitan ng pagpapatay ng ilaw ay nababawasan ang greenhouse gas emissions at nakakabawas din sa konsumo ng tubig sa malalaking planta.