--Ads--

Umarangkada nitong weekend ang mga aktibidad para sa pagdiriwang ng 13th Cityhood Anniversary ng City of Ilagan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan ang information officer ng LGU Ilagan, sinabi niya na nakahanda na ang mga aktibidad na kanilang isasagawa sa 13th Cityhood Anniversary ng City of Ilagan.

Bilang panimula ay Kinorohanan ang bagong Reyna sa Binibining Ilagan 2025 sa katauhan ni Bb.Mariella Marisol Lourdes Tyrell ng Barangay Sta. Isabel Sur.

Si Bb. Nicole Barbero, ng Sta. Victoria, ang kinoronahang Binibining Turismo, Sining at Kultura.

--Ads--

Nakuha din niya ang Best in Evening Gown and Skinovation, habang si Heart Angel Lara, ng Barangay Alibagu,ang Binibining Agrikultura, Bb. CRP Tingkad award.

Isinagawa rin ang ilang sporting events gaya ng Basketball Exhibition Game sa pagitan ng Ilagan Isabela Cowboys at isang celebrity.

Isinagawa rin kahapon ang motocross at airsoft maging cheer dance competition na nilahukan ng 17 schools.

Aniya ang basketball exhibition ay libreng napanood ng mga basketball enthusiast at fanatics mula sa mga karatig bayan at Lungsod.

Naging exciting at thrilling naman ang ginanap na motorcross competition habang nagtagisan ang nasa mahigit 100 participants sa airsoft competition.