--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagsasanay na sa Baguio City ang 50 atleta at 10 coaches ng Philippine Track and Field Association (PATAFA) na lalahok sa National Open Championship na itinakda sa December 9-12, 2021.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PATAFA President Philip Ella Juico na nasa bubble training ang mga atleta dahil nasa alert level 3 ang Baguio City.

Kabilang sa mga nagsasanay sa Lunsod ng Baguio ang mga nanalo ng medalya sa nakaraang South East Asian games.

Sinabi pa ni Juico na todo ingat ngayon ang mga atleta at coaches t mahigpit na sinusunod ang mga health protocol upang hindi makapitan ng virus na dala ng COVID-19.

--Ads--
Bahagi ng pahayag ni PATAFA President Philip Ella Juico