--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinawi ng pamunuan ng Department of Education o (Dep-Ed) Isabela ang pangamba ng mga magulang kaugnay sa dengue vaccine na Dengvaxia sa mga batang mag-aaral.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Schools Division Supt. Jessie Amin ng Dep-Ed Isabela hindi kasama ang Region 2 kabilang ang Isabela sa mga pilot testing ng  dengue Vaccine.

Ayon kay Dr. Amin, ang pilot testing ng Dengvaxia ay naka-sentro sa apat na rehiyon na kinabibilangan ng National Capital Region, Region 3 Region 4, at Region 4a.

Sinabi pa ni Dr. Amin na walang dapat ikabahala ang mga magulang ng mga batang mag-aaral sa region 2 kasama na ang Isabela dahil walang mga batang naturukan ng dengvaxia

--Ads--

Sinabi pa ni Dr. Jessie Amin, Schools Dividion Supt ng De-Ed Isabela sa exklusibing panayam ng Bombo Radyo Cauayan na mayroon na ring mga magulang ang nagtatanong sa kanila kaugnay sa nasabing isyu kaya’t nagsaliksik siya at natuklasan niya na hindi kabilang ang Isabela o buong region 2 sa pilot testing ng dengue vaccine.