CAUAYAN CITY– Naniniwala ang Provincial Tourism Office na kayang makipagsabayan ang mga beach sa coastal towns sa ibat ibang kilalang beach sa bansa kahit na ang Boracay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Tourism Officer Troy Alexander Miano na dahil sa pagsasara sa isla ng Boracay ay tiyak na maraming turista ang maghahanap ng magandang beach na kanilang mapupuntahan.
Pagkakataon umano ito para makilala ang mga beach sa coastal towns ng Isabela na hindi magpapahuli dahil mas maaliwalas, malinis at wala pang bakas ng pang-aabuso sa kapaligiran.
Tiwala si G. Miano na mas makilala ang mga beach sa coastal towns kapag nabuksan na ang Ilagan-Divilacan road.
Ayon kay G. Miano, tinututukan ng pangasiwaan ni Punong Lalalawigan Bojie Dy ang turismo sa Isabela kabilang dito ang paglinang sa mga tourist attraction sa coastal towns.
Itinatag aniya ang provincial Torism Office noong 2017 para matutukan ang inaasahang pagdagsa ng mga turista sa Isabela.




