CAUAYAN CITY – Isasagawa sa Biyernes ang Citywide Earthquake Drill sa Davao City, isang araw bago ang pormal na pagsisimula ng Palarong Pambansa 2019 sa Sabado, ika-27 ng Abril 2019.
Ito ay kaugnay ng magkasunod na lindol na tumama sa Luzon at Visayas na ikinasawi na ng 20 at ikinasugat ng maraming tao.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mr. Ferdinand Narciso, focal person ng delegasyon ng region 2 sa Palarong Pambansa na gaganapin ang city wide earthquake drill kasama ang mga delegado ng iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Nanawagan si Mr. Narciso sa mga magulang ng mga atleta sa regon 2 na huwag mag-aalala sa kanilang mga anak dahil tinitiyak nila ang kanilang seguridad.
Kasama rin ng delegasyon ng region 2 ang iba’t ibang division disaster risk reduction and management officer at maging ang tumatayong regional DRRM Officer na si Mr.Romy Palattao.