--Ads--

CAUAYAN CITY – Papasukin sa mga susunod na araw ang mga drainage canal na natukoy na maaaring gawing entry point o pasukan ng mga masasamang loob sa kanilang pagnanakaw sa mga bangko, pawnshop at iba pang financial institution sa Cauayan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni P.Sr. Insp. Essem Galiza, Police Community Relations Officer ng Cauayan City Police Station na semi-inspection pa lamang ang isinagawa nila kasama ang City Engineering Office sa mga lugar na maaring gawing entry points malapit sa pamilihang lunsod at sa sentro lunsod ng cauayan.

Sinai ni Sr. Insp. Galiza na susubaybayan nila ang mga lugar na ito para mahadlangan ang anumang panloloob sa mga bangko o bahay sanglaan.

Sinabi pa niya na nakipag-ugnayan na rin sila sa mga bangko at iba pang financial institution para matiyak ang kanilang seguridad laban sa mga magnanakaw.

--Ads--

May isang bangko aniya na walang security guard tuwing gabi ang nagbigay ng katiyakan na mapapangalagaan ang kanilang seguridad sa pamamagitan ng kanilang sensitibong alarm system at CCTV camera.