CAUAYAN CITY- Pinuna ng Alkalde ng Cauayan ang hindi magandang pag-uugali ng ilang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan.
Sa ginanap na flag raising kanina, ipinahayag ng alkalde na dapat pagbutihin ang pagtatrabaho ngunit hindi ito basta basta magagawa lalo pa at ilang mga empleyado ang nakikitaan ng hindi magandang pag-uugali.
Ayon kay Mayor Ceasar Jaycee Dy Jr., ipinaparating aniya ng ilang personalidad sa kanyang opisina na mayroong mga empleyado nanaman ang bumalik sa dating ugali na mag a-attendance lang tapos aalis nanaman at pababayaan na ang kailang responsibilidad.
Maging ang alkalde mismo ay napapansin din umano ang naturang galawan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Matatandaan na pinuna nanaman sila ng Alkalde ilang buwan na ang nakalilipas ngunit ngayon ay muli nanamang na o obserbahan.
Hindi naman aniya katulad noong nakaraang pagkakataon na pag ce-cellphone lamang ang inaatupag, mas malala aniya ngayon dahil tumatakas na sila matapos makapag attendance.
Dagdag pa ng alkalde, hindi magandang pag-uugali ito lalo sa hangarin ng lungsod na masungkit nanaman ang SGLG .
Hindi naman binanggit ng Alkalde kung anong departamento o ahensya ang mga indibidwal na tinutukoy niya subalit tiniyak niya na maghaharap silang lahat sa kanyang opisina.
Bukod aniya sa mga tumatakas sa trabaho ay kapansin pansin din aniya ang nga laging late.











