--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagbunyi ang mga fans ng Golden State Warrior matapos maitabla ang serye sa tig-isang panalo sa ginanap na Game 2 ng NBA Finals at tinambakan ang Boston Celtics sa iskor na 108-88

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Mayor Charlton Uy ng Cabatuan, Isabela na kasalukuyang nasa San Francisco, California na kapansin pansin ngayon ang mga tao sa kalsada na naka-uniporme ng Stephen Curry at Clay Thompson.

Tuwang tuwa anya ang mga nanonood na taga San Francisco sa panalo ng Golden State Warriors.

Kahit sobrang mahal anya ng mga tickets ay sold out lahat maging sa mga upuan at monitor ay punong puno ang mga tao.

--Ads--

Kung noong Game 1 ay aabot lamang $1,800 sa lower box sa ngayong Game 2 ay umabot na sa halos $4,000 dollars ang lower box

Sobrang saya anya ng mga tao sa panalo ng GSW at matapos manood ng laro ay nagpunta kaagad sila sa mga bar upang magsaya at magdiwang.

Samantala, ang Game 3 ay tutungo na sa teritoryo ng Boston sa Huwebes.