--Ads--

CAUAYAN CITY– Narekober ng hanay ng militar ang mga matataas na kalibre ng baril sa bayan ng Gattaran at Buguey, Cagayan kasunod sa nangyaring mass abandonment at presentasyon ng mga isinukong mga armas ng mga rebeldeng grupo kamakailan sa Sub-Capitol, Bangag, Lallo, Cagayan.

Batay sa ulat ng 5th Infantry Division, Philippine Army, sinabi ni MGen Audrey L. Pasia, Commander ng 5th ID na umabot sa 7 high powered firearms ang kanilang narekober na kinabibilangan ng 3 M16 rifle, 2 SMG653 o baby armalite at isang M14 rifle at isang garand rifle.

Ang 5 ay narekober sa Sitio Warawad, Barangay Cumao, Gattaran habang isinuko naman ng dalawang miyembro ng Milisya ng Bayan mula sa Barangay Villa Cielo, Buguey, Cagayan ang dalawang high powered firearms.

Samantala, naniniwala naman si Governor Manuel Mamba na ang pagkarekober sa karagdagang armas ng mga rebelde ay nagpapatunay lamang na epektibo ang kampanya ng Pamahalaan laban sa insurhensiya.

--Ads--

Kanya ring hinimok ang mga ahensiya ng pamahalaan na responsable na agad na ibigay ang financial assisatance sa pagsuko sa mga baril ng mga dating rebelde.