--Ads--

CAUAYAN– Naibulsa ng mga delegado ng Batanes at Cagayan ang kanilang unang gintong medalya para sa 800 meter run sa ginaganap na Regional Invitational Sporting Events o DepEd Dos RISE 2022.

Naibulsa rin ng grade 10 student na si Julius Cadiz ang unang ginto para sa Isabela sa larangan ng long jump.

Naitala ni Cadiz ang kaniyang career high na 6.39 meters and 20 centimeters habang pumangalawa naman sa kanya ang delegado ng Cagayan na nakapagtala lamang ang 6.19 meters.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Tolentino Ibuna, tournament Manager in Athletics Run sinabi niya na kabilang sa mga initial activities sa Athletics ay ang 2,000 meter walk boy and girls, 100 meters time trial,High jump, long jump, Javelin throw at 800 meter run.

--Ads--

Ayon kay Tournament Manager Ibuna nasungkit ng Batanes ang kanilang unang ginto para sa girls division at Boy Division naman para sa Cagayan.

Anim na atleta ang bumagsak sa 800 meter run ay bumagsak dahil sa nararanasang matinding init ng araw na agad namang tinugunan ng mga naka stand by na medical team.

Nakahanay namang sumabak muli ang mga atleta sa 1,500 meter run,at 5,000 meter run.

Ilalabas ng announcement committee ang final results sa bawat sporting events bukas.

Bahagi ng pahayag ni Ginoong Tolentino Ibuna, tournament Manager in Athletics Run