--Ads--

CAUAYAN CITY– Umabot na sa halaos kalahating sako ang nakumpiska ng mga kasapi ng Angadanan Police Station na mga led lights at mga gadgets na nakakagawa ng ingay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr. Insp. Ardee Tion, ang hepe ng Angadanan Police Station, sinabi niya na mahigpit ang kanilang pagpapatupad ng Presidential Decree 96 o unlawful use of sirens, bells, horns,whistles o anumang kahalintulad na gadgets na nakakagawa ng ingay na maaaring pagsimulan ng aksidente sa daan.

Kaagad umano nilang sinisira ang mga nakukumpiskang led lights.

Samantala, Kasunod ng mahigpit na pagpapatupad ng Presidential Decree 96, ipinatutupad din nila ang traffic ordinance, ang overloading kung saan patuloy sa pagbabantay ang mga kasapi ng PNP Angadanan sa mga lumalabag dito para sa kaligtasan ng lahat.

--Ads--

Dahil dito, pinaalalahanan ni Sr. Inspector Tion ang mga motorista na huwag ng tangkaing magkabit ng mga pinagbabawal na gadgets at sumunod sa batas trapiko habang sa mga pasahero na huwag tangkilikin ang pagsakay sa mga overloading sa sasakyan para sa kaligtasan.