--Ads--

CAUAYAN CITY – Mga matataas na kalibre ng armas, mga uniporme ng pulis at combat boats ang nasamsam ng mga otoridad mula sa mga kasapi New Peoples Army (NPA) sa masukal na kagubatan ng Dimasungal Maddela, Quirino.

Ito ay kinabibilangan ng 2 M14 armalite rifle, 4 na M16 armalite rifle, isang MG503 baby armalite, mga bala, 15 pares ng PNP uniforms at 14 na combat boats.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa 502nd Infantrty Brigade na pinangungunahan ni Brig. Gen. Vicente Bacarro ang mga armas ay nasamsam sa lugar na pinagtaguan ng NPA na kasapi ng larangang Guerilya Quirino-Nueva Vizcaya.

Ang pagkakatuklas ng mga nasabing armas ay dahil na rin sa tulong ng mga sibilyan na nagsumbong sa mga otoridad.

--Ads--

Ang mga nasamsam uniprome ay ang mga uniporme ng mga pulis na kasapi ng Maddela Police Station na nauna nang nilusob ng mga rebelde
Samantala, matapos anya ang pagkakasamsam ng mga matataas na kalibre ng baril ay nakasagupa ng mga kasapi ng 86th Infantry Batallion ang ilang kasapi ng NPA sa Sitio Pulang Lupa, Dimasungal, Maddela Quirino.

Makalipas ang ilang putukan ay kaagad tumakas ang mga rebelde.