--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang monitoring ng City Health Office (CHO) sa datos ng mga biktima ng dengue sa Santiago City.

Sa bawat buwan ng taon ay nakakapagtala ang tanggapan ng isa hanggang 38 kaso ng dengue na madalas na biktima ay mga bata.

Dahil dito ay patuloy ang information dissemination ng CHO sa pamamagitan ng pagbibigay ng leaflets sa bawat barangay at pag-iispray ng gamot na pamuksa ng lamok.

Inaasahan ng tanggapan na hindi na madagdagan pa ang bilang na 128 kaso ng dengue na naitala mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.

--Ads--

Sa nasabing bilang ay dalawa rito ang namatay habang noong nakaraang taon ay nakapagtala ng 156 na dengue cases at tatlo ang namatay.

Samantala, wala naman umanong mga mamamayan ang nagtutungo sa ibat ibang pagamutan sa lunsod na biktima ng dengue vaccine na dengvaxia.

Kaugnay nito ay nagpaalala rin ang CHO na huwag iasa sa mga bakuna ang pag-iwas sa dengue sa halip ay ugaliing maglinis ng kapaligiran upang hindi pamugaran ng lamok na nagsasanhi ng dengue.