--Ads--

Mga nagtapos sa K-12 program hindi pa kayang pumasok sa trabaho, ayon sa ilang magulang

CAUAYAN CITY- Hindi pa kaya ng mga nagtapos ng K to 12 na pumasok sa trabaho.

Ito ang pahayag ng ilang magulang bagamat mayroon na umano silang specialization.

Ayon sa kanila masyado pang bata ang kanilang mga anak at kulang pa sa kakayahan.

--Ads--

Inihayag ni Gng. Rose Catukoy, may anak na nagtapos sa K-12 program na magpapatuloy ang kanyang anak sa kolehyo dahil maaaring hindi pa sila tatanggapin sa trabaho dahil sa hindi pa sapat ang edad at kakayahan.

Ayon sa kanya dumiretso na lang sana sila kolehiyo para mas madali silang makatapos ng kurso.