--Ads--

CAUAYAN CITY – Binabalot at inililibing ang mga namamatay dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa Bangladesh.

Ito ang inihayag ni Gng. Amelita Pasculado Khairuddin, negosyante sa Bangladesh at tubong Talisay City, Negros Occidental sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Cauayan.

Ayon kay Gng. Khairuddin, hindi kini-cremate ang mga namamatay dahil sa COVID-19 sa nasabing bansa dahil sa kanilang tradisyon.

Bukod kasi aniya sa muslim country ang Bangladesh ay wala rin silang mga crematorium.

--Ads--

Dahil dito, binabalot na lamang sa bag ang mga namamatay bago ilibing pero ayon kay Gng. Khairuddin, ang mga naglilibing ay hindi kumpleto ang kanilang proteksyon dahil nagkukulang din sila sa mga kagamitan at pasilidad.

Mula sa ospital ay dinideretso na sa libingan ang mga namamaty subalit hindi napipigilan ng mga pulis ang kanilang mga kamag anak na sila ay sumama.

Dahil dito, sinisiguro na lamang nila na masusunod pa rin ang social distancing para hindi na kumalat pa ang nasabing sakit sa kanilang bansa.

Tinig ni Gng. Amelita Pasculado Khairuddin.