--Ads--

Umabot sa isang milyong  doses ng COVID-19 Vaccine ang nasirang bakuna dito sa lambak ng Cagayan.

Inihayag ni Regional Vaccination Operation Center Team Leader Jermaine Farrah Cepeda ng DOH Region 2 na ang dahilan ng pagkakasira ng mga COVID Vaccines ay ang bulk na pagdating ng bakuna tulad ng Gamaleya habang ang iba ay nag-expire na.

Ang ginagawa na aniya ng DOH Region 2 ay nagbabahay-bahay sa pagbabakuna upang matiyak na hindi na masira ang mga bakuna.

Palagi anyang nagbibigay ng Health Education ang mga kawani ng DOH sa magandang idudulot ng bakuna kontra COVID-19.

--Ads--

Pinapalakas din nila ang pagpapabakuna sa mga batang edad lima hanggang labing-isa.

Magsasagawa naman sila ng Bakunahan ng Bayan sa unang araw ng Disyembre ngayong taon.

Sa mga nagnanais magpabakuna ay magpunta lamang sa kanilang mga barangay health centers at hanapin ang kanilang midwife at Barangay Health Workers.