--Ads--

CAUAYAN CITY– Iba’t ibang pamamaraan ang ginagawa ngayon ng mga Pilipino sa Vietnam para maipakita ang kanilang suporta sa mga Pilipino athlete sa nagpapatuloy na 31st South East Asian Games.

Sinabi ni Bombo International News Correspondent Arlie Dela Peña, isang guro sa Hanoi, Vietnam na kahit kaunti lamang silang mga Pilipino sa naturang bansa ay mainit ang kanilang suporta sa team ng Pilipinas.

Aniya, iba’t ibang pamamaraan ang kanilang ginagawa para maipakita ang kanilang suporta.

May mga nagpapagawa ng scarf na may nakalagay na Mabuhay Pilipinas, nagpapadisenyo sila ng mga T-shirt, may dala silang watawat ng Pilipinas sa pagtungo sa venue at flaglets.

--Ads--

Kahit nasa malayo aniya ay nagpupunta para manood at nang magkaroon ng suporta sa mga atleta ng bansa.

Pinakaabangan naman nila si weighlifter Hidilyn Diaz at ang soccer team ng Pilipinas.

Sa ngayon ay patuloy na nangunguna ang host country na Vietnam sa 31st South East Asian Games.

Bahagi ng pahayag ni Bombo International News Correspondent Arlie Dela Peña