--Ads--

CAUAYAN CITY – Proud ang maraming Pinoy sa deligado ng Pilipinas sa 2023 FIFA Women’s World Cup matapos na makalusot at makapasok sa round of 16 nang pataubin ang host country na New Zealand.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Jimuel Dela Cruz na labis na natutuwa ang FIlipino Community sa tinaguriang historical win ng Filipinas sa FIFA Women’s World Cup dahil hindi nila inasahan na sila ay mananalo.

Pinataob ng Filipinas ang Host Country na New Zealand sa score na 1-0 na naging daan para umabanse sa round of 16 kontra rank number 12 na  Norway.

Nagpakita aniya ng walang humpay na depensa ang goal keeper na si Olivia McDaniel at ang striker na si Sarina Bolden na nag-convert ng isang header mula sa isang krus mula kay Sarah Eggesvik sa free kick play sa ika-dalawampu’t apat  na minuto upang masilat ang 1-0 score.

--Ads--

Naging full support naman sila sa pamamagitan ng pag-organisa ng mga events para panoorin ang laban ng Filipinas.

Tinig ni Bombo International News Correspondent Jimuel Dela Cruz.