--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihatid na ngayong araw ang mga relief packs sa Itbayat, Batanes sakay ng eroplano ng Philippine Airforce at barko ng Philippine Navy.

Ito ay dahil nagkukulang na ng mga pagkain ang mga biktima ng lindol sapagkat natigil ng ilang araw ang pagdadala ng mga bangka ng supply ng pagkain mula sa Basco, Batanes dahil sa sama ng panahon na dulot ng Hanging Habagat.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PDRRM Officer Roldan Esdicul ng Batanes, sinabi niya na nakarating na matapos dumating ang mga relief goods ay kaagad naman nilang ipinamigay sa mga residenteng apektado ng lindol sa Itbayat.

Dumating na rin ang 26 na drum ng gasolina para sa mga ginagamit na generator set sa Itbayat, Batanes dahil hindi pa naibabalik ang power supply mula sa electric cooperative.

--Ads--


Nagpadala rin ngayong araw ang NAPOCOR ng dagdag na 25 drum ng gasolina para sa supply ng koryente sa isla na tatagal ng isang buwan.