--Ads--

CAUAYAN CITY – Maagang nakapag-abiso ang pamahalaan ng Taiwan sa mga residente sa pananalasa ng Bagyong Julian sa nasabing lugar.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Miro Villanueva Pascua, bago pa man maglandfall ang bagyo ay nag-ikot na ang mga kapulisan upang magpaalala sa mga residente na maghanda sa magiging epekto ng bagyo.

Pinaayos na nila ang mga dapat na isaayos sa mga bahay na pwedeng liparin ng hangin at inabisuhan na rin ang mga establisimento patungkol sa pasok ng kanilang mga empleyado.

Aniya mas takot pa sa bagyo ang mga tao sa Taiwan kaysa sa lindol kaya marami ang nagpanic buying ng mga pagkain at todo ang paghihigpit sa kanilang mga gamit.

--Ads--

Karaniwan sa mga bahay sa Taiwan ay earthquake resistant ngunit sa tingin niya ay hindi kakayanin kung mga malalakas na hangin ang hahagupit.

Bilang paghahanda ay nakapagstock na sila ng pagkain pangunahin na ang mga gulay at pangrekado dahil ito ang inaasahan nilang tataas ang presyo pagkatapos ng bagyo.