CAUAYAN CITY – Nagkasundo na magkaroon ng amicable settlement ang mga sangkot sa banggaan ng military truck at elf truck sa Naguilian bridge sa Palattao, Naguilian, isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCpt Merwin Villanueva, hepe ng Naguillian Police Station na lumabas sa kanilang imbestigasyon na hindi natantiya ni PFC Joel Tamani, tsuper ng military truck ang daan matapos mag-overtake sa isang sasakyan kaya’t bumangga sa kasalubong na elf truck na minamaneho ni Ryan Moreno, company driver.
Dahil sa lakas ng impact ay bumaliktad ang dalawang sasakyan at natanggal pa ang isang gulong ng military truck.
Nasugatan ang tsuper ng nadamay na motorsiklo na pumailalim sa el truck.
Sinabi ni PCpt Villanueva na patungo sa Camp Melchor dela Cruz sa Upi, Gamu, Isabela ang military truck sakay ang ilang sundalo nang maganap ang aksidente.
Ayon kay PCpt Villanueva, nagkausap na ang mga sangkot sa aksidente at nagkasundo na aaregulihun na lamang ito.






