--Ads--

CAUAYAN CITY- Tumagal ng tatlong minuto ang sabay-sabay na pagpapatunog ng kampana ng mga simbahang katoliko sa nasasakupan ng Diocese of ilagan kasabay ng libing ni Father Richmond Nilo ngayong araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Father Greg Uanan, Chancellor at Judicial Vicar ng Diocese of Ilagan na alas doce ng tanghali ay sabayang pinatunog ang kampana ang mga simbahang nasasakupan ng Diocese of ilagan bilang pakikiisa o solidarity at pakikidalamhati sa brutal na pagpaslang kay Father Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan.

Dahil sa abala ang ang mga kaparian ng Diocese of ilagan ay hindi sila nakadalo sa libing ni Father Nilo sa Cabanatuan City ay napagpasyahan nilang patunugin ng sabay-sabay ang mga kampana ng simbahan sa loob ng tatlong minuto bilang pakikidalamhati.

Nauna rito ay nagpalabas ang Diocese of Ilagan ng statement na mariing komokondena sa brutal na pagpaslang kay Father Nilo.

--Ads--

Tiniyak pa ni Father Uanan na hindi patitinag ang mga pari na magpahayag ng katotohanan sa pananampalataya.