--Ads--
CAUAYAN CITY- Tututukan ng mga kasapi ng pulisya sa Central Isabela 4 ang mga menor de edad na tumatambay sa mga lansangan at mga parke pagsapit ng dis-oras ng gabi.
Ito ay dahil sa mga naitatalang pambabato ng mga sasakyang bumabagtas sa mga lansangan.
Karaniwang hinihinalang nambabato ng mga sasakyan sa mga bayan ng San Mateo, Ramon, Cabatuan, Luna at Aurora ay mga menor de edad.
Batay sa umiikot na ordinansa, maaaring lumabas pa ang mga menor de edad kung may kasamang nakakatanda ngunit ngayon ay kailangan nang pauwiin ang mga ito pagpatak ng 10:00 pm.
--Ads--




