Malaki ang posibilidad na Human Error ang dahilan ng banggaan ng US Army UH-60 Black Hawk at CRJ-700 American Airlines flight 5342 sa Estados Unidos.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Denmark Suede, Licensed Pilot at Aviation Expert na posibleng may pananagutan ang Air Traffic Controller dahil noong nakatakda nang mag-land ang American Eagle ay sinabihan nito ang piloto ng eroplano na lumipat sa pinaka-maiksing runway sa Raegan National Airport.
Pumayag naman umano ang piloto ngunit nagkataon na mayroong Helicopter na magla-land din sa naturang runway.
Aniya, mayroong Terrain coalliton avoidance system (TCAS) ang mga eroplano ngunit nang dahil sa mababa ang altitude ng naturang eroplano ay wala nang panahon ang piloto nito na makita ang helicopter sa kaniyang system.
Sa kabilang banda, mayroon din aniyang suot na Night Vision Goggles ang piloto ng helicopter ngunit maaaring lumabo ang vision ng nito dahil sa marami ang ilaw sa Washington at nakadagdag pa ang ilaw ng eroplano na kaniyang makakasalubong dahilan kaya’t hindi na rin umano nito napansin ang American Eagle.
Dahil dito ay sisilipin ng mga awtoridad ang alcohol level ng naka-duty na Air Traffic Controller noong maganap ang insidente.
Aniya, ang Federal Aviation Administration ng US ay standard ng aviations sa ibang bansa kaya mahigpit ito pagdating sa aviation safety.