--Ads--

Humigit kumulang 2 million mangagawa ang nakatanggap ang e-mails na nagsasaad na sila ay wala ng trabaho.

Ito ay matapos na lagdaan ni President Donald Trump ang isang executive order kung babawasan ang mga empleyado ng Federal Government.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na bagamat kabilang ito sa mga ipinangako ni Us President Trump noong halalan ay maraming mga Americans ngayon ang nagulat dahil sa mga ipinapatupad nitong executive order.

Pinakalayunin nito na pababain ang federal employment sa 5% gayung nasa 2.4 million ang kasalukuyang empleyado ng Pamahalaan.

--Ads--

Karamihan sa mga pinaka apektado ay ang mga empleyadong under probation kahit pa nagsisilbi na sila sa Federal Government sa loob ng maraming taon.

Sa ngayon ay magkakasa ng pagdinig ng Pentagon, CDC, DHUD, Depatment of Education, Veterans Affairs, Consumer Fincancial Bureau maging Federal Union Group dahil sa budget cuts.

Maliban sa pagbabawas ng workforce ay nasa 77 thousand na empleyado ang tinanggap ang alok na buyout para sa kanilang mga government benefits kabilang ang medicare o medical insurance.

Aniya sa ngayon gaya ng dati ay hindi pabor dito ang democrats gayunman may ilang pumapabor parin dito dahil sa maidudulot nitongmaganda sa buong bansa hindi lamang sa iilan.