--Ads--

CAUAYAN CITY – Humingi ng tulong sa pamahalaan ang misis sa Roxas, Isabela ng OFW na si Reynaldo Barroga Castro, isa sa dalawang Pinoy na namatay sa naganap na sunog Saudi Arabia.

Sinasabing depektibong linya ng kuryente ang sanhi ng pagkasunog noong Linggo ng kanilang quarters sa isang construction site sa Najran province sa Saudi Arabia.

Kasama ni Castro na namatay sa sunog si Jessie Alata Pacetes , kapwa heavy equipment driver at operator ng isang construction company.

Sa naging panayam ng Bombo Rado Cauayan kay Gng. Aurelia Castro, misis ni Reynaldo na nalaman nila ang nangyari sa kanyang mister mula sa chat ng mga kapatid nito.

--Ads--

Si Reynaldo Castro, apatnaput limang taong gulang ay mahigit isang taon pa lamang na nagtatrabaho sa Saudi Arabia at uuwi sana sa buwan ng Pebrero o Marso 2019.

Dahil mahirap ang kanilang kalagayan, nanawagan ng tulong sa pamahalaan si Gng. Castro sa kanyang paglakad sa pag-uwi sa bansa ng bangkay ng kanyang asawa.