CAUAYAN CITY – Patay ang isang ginang matapos barilin ng riding in tandem criminal sa Poblacion North, Solano, Nueva Vizcaya.
Ang biktima ay si Merlyn Tayaban,37 anyos, asawa ng isang PAO lawyer sa bayan ng Alfonso Lista at residente ng Poblacion, Kiangan, Ifugao.
Sa Panayam ng Bombo Radyo Cauayan P/Cief Inspector Ignacio Layugan Jr., hepe ng Solano Police Station na ang biktima kasama ang kanyang asawa at dalawang anak ay pababa na sa kanilang sasakyan.
Pagbaba anya ng biktima sa sasakyan ay isang lalaki ang humawak sa kanyang balikat at biglang binaril sa batok na nagsanhi ng kanyang kamatayan.
Nakuha ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng Cal. 45 baril .
Naniniwala si Chief Insp. Ignacio na ang biktima lamang ang puntirya ng mga suspek.
Batay pa sa kanilang pagtatanong ng mga pulis sa mga nakakita sa krimen nakatakip ng panyo sa mukha ang bumaril sa biktima.
Sa ngayon puspusan ang pagsisiyasat ng pulisya at mayroon na silang nakuhang CCTV footages subalit malabo habang wala ring CCTV sa chicken house na pupuntahan sana ng mag-anak.




