CAUAYAN CITY- Nilinaw ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na hindi election related ang naganap na pamamaril ng isang mister sa kaniyang misis sa Barangay Buyasan San Mariano, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Scarlet Topinio ang tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office, sinabi niya na walang kinalaman sa politika ang shooting incident sa Barangay Buyusan taliwas sa pangamba ng ilang mga residente sa lugar.
Unang nakatanggap ng ulat ang San Mariano PNP kaugnay ng insidente kagabi.
Batay sa pagsisiyasat ng San Mariano Police Station ang mga sangkot ay miyembro ng Indigenous People o IP sa bahagi ng Barangay Buyusan.
Lumalabas sa pagsisiyasat na nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa na nauwi sa pamamaril.
Batay sa Pulisya ang nakikitang motibo sa pamamaril ay selos.
Sa ngayon ang biktima ay nasa pagamutan at nagpapagaling habang patuloy na tinutugis ang tumakas na suspek











