--Ads--

CAUAYAN CITY – Balak ng nanalong si Miss Queen Isabela 2017 Jeanevave Cabauatan na sumali sa national na patimpalak pagandahan matapos masungkit ang nasabing parangal sa pagdiriwang ng Isabela Day.

Sa panayam ng panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Miss Queen Isabela 2017 Jeanevave Cabauatan ng Luna, Isabela na pinaghandaan niya ng mabuti ang nasabing patimpalak pagandahan.

Anya ilan lamang sa kanyang pinaghandaan ay ang pagsagot sa maaaring itanong, ang pagrampa at pinaghandaan din niya ang kanyang talent.

Hindi rin anya niya nakakalimutan ang mag-exercise, mag-diet at magdasal.

--Ads--

Naniniwala din ang Miss Queen Isabela 2017 na hindi lang ganda ang kinakailangan sa mga patimpalak pagandahan kundi kailangan din ng talino.

Ito ang dahilan kung bakit pinag-aralan niya ang mga nangyayari sa kapaligiran,maging maalam sa mga balita at mayroong kaalaman sa sasalihang patimpalak pagandahan.

Anya, simula noong sekondarya ay sumasali siya sa mga beauty pageant at kung minsan ay may pagkakataong nabibigo at nananalo.

Noong 2015 ay sumali siya sa Miss Isabela at naging first runner up at ngayon ay nasungkit niya ang Miss Queen Isabela 2017 .

Nais din niyang sumali sa mga national beauty pageant.

Si Bb. Cabauatan ay kasalukuyang nagtatrabaho sa isang call center sa Maynila at sa susunod na pasukan ay ipagpapatuloy niya ang kursong Bachelor of Arts in Mass Communication at nasa 3rd year na siya sa nasabing kurso .

Inihayag pa ni Cabauatan na bilang nanalong 2017 Miss Queen Isabela ay nais niyang isulong ang pagkakaroon ng agri-eco tourism campaign at pagtuunan ang pagsasanay ng mga magsasaka at livelihood project sa mga mamamayan.