--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahaharap sa kasong Violence againts Women and their Children at Resistance and Disobedience Upon an Agent of Person in Authority ang isang mister na lango sa nakalalasing na inumin matapos pagbantaan na papatayin ang kanyang misis at labanan ang mga pulis sa La Torre South, Bayombong. Nueva Vizcaya.

Ang mga biktima ay sina Beatriz Richelle Castillo, 29-ayos, residente ng nasabing barangay at si Police Corporal Jerry Bullecer, 34-anyos, may asawa at residente ng Malasin, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya habang ang pinaghihinalaan ay si Leo Mark Castillo, 27-anyos.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan napag-alaman na umuwing lango sa nakalalasing na inumin si Leo Mark.

Dumiretso ito sa kanyang silid at natulog.

--Ads--

Sinundan naman siya ng kanyang asawa upang ayusin ang kanyang mga gamit subalit nang akmang ililipat na nito ang kanyang bag at cellphone ay nagising siya at kinumpronta ang asawa sa pagkuha nito sa kaniyang cellphone.

Binantaan nito ang asawa na papatayin kaya naman nagdesisiyon ang kanilang kasambahay na humingi ng tulong sa mga otoridad.

Agad namang tumugon ang mga kasapi ng Inteligence operatives ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office at nang tanungin ang pinaghihinalaan upang maberipika ang nasabing reklamo ay nanlaban ito sanhi para magtamo ng injury sa kaniyang palasing-singan ang responding officer na si Pcpl. Bullecer.

Sa kabila ng pagpupumiglas ng pinaghihinalaan ay naaresto pa rin siya ng mga otoridad at dinala sa Region 2 Trauma and Medical Center kasama ang mga biktima para sumailalim sa medical examination bago ipinasakamay sa Bayombong Police station para sa kaukulang dokumentasiyon at disposisyon.