CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng Santiago City Police Office o SCPO ng isang mister na sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 ( Anti Violence against women and their children).
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakakaranas umano ng pananakit ang isang misis na 31 anyos, mangangalakal at residente ng Rosario, Santiago City kayat nagsumbong siya sa pulisya.
Ayon sa biktima, tuwing dumarating ang kanyang asawa mula sa bahay ng kanyang magulang o sa trabaho ay sinasaktan umano siya ng kanyang mister.
Dahil sa paulit-ulit na pananakit ay kinasuhan ang mister na 34 anyos at isang tsuper.
Dinakip kahapon ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 21, Santiago City at isinilbi ng station 2 ng SCPO.
kailangang maglagak ng P/24,000.00 ang akusado para sa kanyang pansamantalang kalayaan.




