CAUAYAN CITY – Gagawaran ng Best Junior Police Non-Commissioned Officer for Operation ang isang miyembro ng 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company (NVPMFC) sa awarding na gaganapin bukas na PNP Galantry Award 2023 sa Camp Crame.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Patrolman Randy Adeppa, sinabi niya na nakamit niya ang parangal dahil sa ipinamalas niyang kagalingan matapos iligtas mula sa kapahamakan ang kaniyang kapwa pulis sa kasagsagan ng pananalasa ng isang bagyo noong nakaraang taon.
Aniya, nakuryente ang kapwa pulis matapos bumagsak ang live wire sa tubig habang nagsasagawa sila ng search and retrieval operation.
Tinulungan niya ang biktima at agad na nagbigay ng paunang lunas.
Hindi siya nagsayang ng oras at itinakbo sa ospitalang pulis na mapalad na nakaligtas sa kamatayan.
Maliban sa Gallantry Award ay una na rin siyang ginawaran ng Heroism Award ng Police Regional Office 2 (PRO2) at commendation award ng Nueva Vicaya Police Provincial Office (NVPPO).
Ayon kay Patrolman Agdeppa, ang pagkilala sa ipinapamalas na katapangan ay nakakadagdag sa kanilang moral at nagsisilbing inspirasyon sa iba pang mga pulis para magbigay ng tamang serbisyo-publiko.