CAUAYAN CITY – Nagbunyi ang mga mamamayan sa Morocco dahil sa pagkapanalo ng kanilang national football team kontra sa Portugal sa score na 1-0 sa semi-finals ng nagpapatuloy na FIFA World Cup 2022.
Sinabi ni Bombo International News Correspondent Michael Lopez na nagsilabasan ang mga tao sa kanilang mga bahay at nagbunyi sa pagkapanalo ng kanilang koponan.
Naging bukas naman ang mga establisyemento lalo na ang mga coffee shop para sa panonood sa World Cup.
Aniya, mula noong 1986 ay ngayon lamang ulit nakita ang Morocco sa larangan ng football.
Dagdag pa ni Lopez na paborito talaga ng mga taga-Morocco ang football kaya kahit nasaan sila lalo na ang mga bata ay lalaruin ang bola kapag may nakita sila.
Sa kanila namang mga Pilipino ay hati ang kanilang opinyon lalo na at ang nakalaban ng Morocco ay ang Portugal kung saan nandoon si Cristiano Ronaldo na kilala sa larangan ng football. Gayunman malaki ang tiwala ng mga taga-Morocco na mananalo ang kanilang koponan.