--Ads--
Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 ang motion for inhibition o voluntary recusal na inihain ni Vice President Sara Duterte laban sa presiding judge.
Sa desisyong may petsang Setyembre 14, sinabi ni Judge Maria Angelica De Ramos na walang sapat na batayan ang mosyon at walang malinaw na ebidensya ng bias o pagkiling.
Iginiit naman ng kampo ni Duterte na gagamitin nila ang lahat ng available na legal remedies matapos ibasura ang kanilang mosyon.
Samantala, inatasan din ng korte ang magkabilang panig na mahigpit na sundin ang sub judice rule at iwasang talakayin sa publiko ang merito ng kaso.
--Ads--











